News »


Bagong K Building sa Saranay Elementary School, Pinasinayaan

Published: September 09, 2023 01:00 PM



May bagong K Building na rin sa Saranay Elementary School sa Brgy. Sto. Niño 3rd na pinasinayaan kahapon (Setyembre 7) sa pangunguna nina Mayor Kokoy Salvador at DepEd San Jose City Schools Division Superintendent Leonardo Canlas.

Ayon kay Mayor Kokoy, batid niya ang pangangailangan ng mga bagong silid-aralan para sa mag-aaral kaya’t aasahan pa ang inagurasyon ng iba pang bagong K building sa 21 barangay hanggang sa susunod na taon.

Aniya, isang magandang investment ang edukasyon para sa kinabukasan ng mga kabataan, lalo na sa hirap ng buhay ngayon kung kaya’t laging nakasuporta ang lokal na pamahalaan sa sektor na ito.