News »


Bagong Silid-Aralan sa Porais Elementary School at San Raymundo Elementary School

Published: May 18, 2023 03:39 PM



Opisyal na ipinagkaloob ang mga bagong silid-aralan sa Porais Elementary School at San Raymundo Elementary School sa Brgy. Tondod kahapon (Mayo 17).

Dumalo sa nasabing Turnover at Ribbon-Cutting Ceremony sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang City Councilors, at kinatawan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na nag-donate ng nasabing gusali.

Nagpasalamat naman sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali sa mga donor ng classrooms na sina Sy Pui Chuen at Elaine Chiong at kay G. Larry Orpilla na nagkaloob ng lupang pinagtayuan ng silid-aralan sa San Raymundo Elementary School.

Tiniyak din ng Punong Lungsod na prayoridad ng kanyang administrasyon na makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral at patuloy na susuportahan ang naturang sektor katuwang si Vice Mayor Ali.