Bagyong Karding
Published: September 26, 2022 07:00 AM
Inilikas ang 23 pamilya na nakatira sa landslide-prone area sa Sitio Lomboy, Brgy. Tayabo kagabi upang maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng Bagyong Karding.
Itinaas ang Signal No. 3 sa Lungsod San Jose kahapon kaya puspusan ang ginawang paghahanda ng lokal na pamahalaan.
Sa panayam kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Amor Cabico, walang naiulat na biktima o mga nasirang gusali dahil sa pananalasa ng bagyo sa lungsod.
Dagdag pa ni Cabico, wala ring natumbang poste o puno sa mga pangunahing kalsada kaya’t maayos na makadaraan dito ang mga motorista.
Sa ngayon ay wala nang storm signal sa buong lalawigan ng Nueva Ecija batay sa huling weather bulletin ng DOST-PAGASA kaninang ika-11:00 ng umaga.
Samantala, iniulat ng City Agriculture Office ang ilang natamong pinsala sa mga pananim na gulay, mais, at palay rito dahil na rin sa malakas na hangin na dala ng bagyo kagabi.
Batay sa Damage Assessment Report ng naturang tanggapan, pinakamalalang napinsala ang mga gulay na nasa ‘reproductive stage’ pa lamang at tinatayang halos anim na milyong piso ang kabuong halaga ng nasirang pananim; habang mahigit tatlong milyong piso naman ang halaga ng napinsalang gulay na nasa ‘vegetative stage’.
Umabot din sa isang milyong piso ang tinatayang halaga ng nasirang mga pananim na mais, at higit isa’t kalahating milyong piso naman ang kabuong halaga ng napinsalang palay.
Ayon kay City Agriculturist Francisco M. Dantes, isusumite ng kanilang tanggapan ang nasabing Damage Assessment Report sa Provincial Agriculture Office para matukoy ang kabuong pinsala at epekto sa agrikultura ng Bagyong Karding, lalo na sa Central Luzon.