News »


Banko Perlas, Wagi sa Volleyball Exhibition Game

Published: May 03, 2018 01:00 PM



Isang exciting na volleyball exhibition game ang ipinamalas ng mga Tacloban Fighting Warays at Banko Perlas nitong Linggo (April 29) na dumayo sa lungsod upang makibahagi sa Pagibang Damara Festival.

Sa unang set, tinambakan ng Fighting Warays ang kalaban ngunit agad na nakabawi ang Banko Perlas sa ikalawang set.

Hindi nagpasindak ang koponan ng mga Waray at nakuha ang bentahe sa third set.

Hindi sumuko ang Banko Perlas kaya lalo pang uminit ang laro sa dikit na laban sa fourth set at tumabla sila ng panalo.

Kaya naman mas naging makapigil hininga ang huling set ng laro hanggang sa tuluyang pinataob ng Banko Perlas ang Fighting Warays sa iskor na 15-11.

Samantala sa laro naman ng Kings vs. Queens volleyball exhibition game, tambak ang Queens sa unang set ng laban ngunit agad namang nakabawi at pinataob ang koponan ng Kings sa 2nd set na siyang nagpatabla sa laban.

Lalong uminit ang laro sa pagitan ng dalawang koponan na natapos sa iskor na 25-19 pabor sa grupo ng Kings.

Napuno naman ang San Jose City National High School Gym ng mga San Josenian na nagbigay suporta sa naturang aktibidad na inorganisa ng Sports Development Office, Office of the City Mayor, at Premier Volleyball League.

Kabilang sa Tacloban Fighting Waray sina: Shola Alvarez, Judith Abil, Anne Esguerra, Regine Arocha, Jovielyn Prado, Andrea Marzan, Eunice Galang, Seth Rodriguez, Vira Guillema, Heather Guino-o, Kyle Negrito.

Kabilang naman sa Banko Perlas sina: Dziger Vacio, Amy Ahomiro, Mae Tajima, Kara Acevedo, Ella De Jesus, Jem Ferrer, Gizelle Tan, Amanda Villanueva, Sue Roces, Sasa Devanadera, Chang Ancheta, Rapril Aguilar, Nicole Tiamzon.