Barangay A. Pascual, may Potable Water System na rin
Published: July 31, 2018 04:13 PM
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa mga mamamayan ng San Jose lalo na sa mga lugar na hirap sa tubig.
Sa katunayan, isa na namang POWAS ang pinasinayaan kahapon (July 30) sa Barangay A. Pascual para magbigay ng malinis na tubig sa mga residente rito.
Personal na nagtungo si Punong Lungsod Kokoy Salvador upang pormal na isagawa ang “hand-over” ng POWAS na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay, ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan at mga taga-A. Pascual.
Matatandaang nakapagbigay na ng ganitong proyekto sa Sitio Pakak, Abar 2nd; Sitio San Raymundo, Tondod; Villa Joson; Habitat Village, Sto. Niño 3rd; Villa Marina; Kita-Kita; at Tayabo.
Asahan naman ang paghahatid ng proyektong ito sa iba pang barangay sa lungsod sa mga susunod na buwan.
Ang naturang programa ay isa sa mga adbokasiya ni Mayor Kokoy para mas mapagaan at matulungan ang mga San Josenian sa unti-unting pag-unlad ng kanilang pamumuhay.