Barangay Anti-Drug Abuse Council Training, isinagawa sa lungsod
Published: October 25, 2018 04:48 PM
Bilang bahagi ng kampanya kontra droga ng DILG katuwang ng PNP, nagsagawa ng Roll Out Training on Strengthening the Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa lungsod kahapon, Oktubre 24 na dinaluhan ng iba’t ibang barangay sa Nueva Ecija.
Layunin ng naturang aktibidad na paigtingin ang mga programang patungkol sa pagsugpo sa droga at ipakita ang malaking kontribusyon ng mga opisyal ng barangay sa paglaban nito upang magabayan ang kanilang mga nasasakupan.
Dumalo rin sa naturang programa si Punong Lungsod Kokoy Salvador upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga aktibidad kontra droga na isa sa kanyang mga adbokasiya at gawing drug free ang lungsod.
Pinangunahan ng DILG Provincial Office ang naturang programa na dinaluhan din ng ilang kawani ng Lokal na Pamahalan, mga kinatawan ng PDEA, PNP San Jose at Local Government Operations Officer (LGOO).