Barangay San Mauricio, dinayo ng K Outreach Program
Published: September 09, 2022 01:00 PM
Pinasaya ngayong araw (Setyembre 9) ang mga taga-Barangay San Mauricio sa dalang serbisyo ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan.
Kasamang dumayo sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador para kumustahin at makasalamuha ang mga residente roon.
Tiniyak ng Punong Lungsod na wala raw magbabago sa kanyang mga nasimulan at tuloy-tuloy ang serbisyong kanilang hatid para sa bawat barangay sa buong lungsod.
Kabilang sa mga naihatid ng K Outreach sa nasabing barangay ay mga serbisyong medikal at dental, COVID-19 vaccination, bigas, seedlings, reading glasses, storytelling, coloring books, pagkain at inumin para sa mga tsikiting, espesyal na lugaw para sa mga dumalo sa programa, at gamot para mga alagang hayop.
Na-relax din ang mga residente sa libreng body massage at mayroon pang manicure, pedicure, at gupit.
Nagbigay rin ng tulong at gabay sa mga naghahanap ng trabaho; pagrerehistro ng kapanganakan; pagpaplano ng pamilya, pagkuha ng police clearance at ID ng mga senior citizen, person with disability (PWD), at solo parent; at iba pa.
Bukod sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, kasama ring naghatid serbisyo ang ilang ahensiya at samahan.
Asahan naman ang pagbisita ng K Outreach Program sa mga susunod na linggo sa iba pang barangay.