Barangay Tanod nagtapos sa Peace & Order Training
Published: February 28, 2018 04:40 PM
Nagtapos ang mga Barangay Tanod mula sa labing-pitong barangay sa tatlong araw na pagsasanay patungkol sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Ginanap ang pagsasanay noong Pebrero 21 hanggang Pebrero 23, at dito ay tinalakay ang pagsugpo sa kriminalidad; Anti-Violence Against Women and their Children o VAWC Act; first aid at self defense techniques; at pagiging alerto at handa sa anumang klase ng sakuna gaya ng sunog, bagyo at iba pa.
Personal na sinaksihan ng Punong Lungsod Kokoy Salvador at PNP San Jose Chief of Police Marco Dadez ang ilang bahagi ng pagsasanay. Ayon sa Punong Lungsod, umaasa siya at ang kapulisan na magamit ng mga tanod sa maayos at epektibong paraan ang kanilang mga natutunan.
Kung matatandaan, nauna nang sumalang sa parehong pagsasanay ang mga Barangay Tanod mula sa 15 na barangay sa lungsod noong buwan ng Enero.
Ito ay bahagi pa rin ng adbokasiya ni Mayor Kokoy na, “Sa Bagong San Jose, ang lahat ng mamamayan ay may Kaligtasan”.
(Ella Aiza D. Reyes)