BDO sa Walter Mart, bukas na
Published: August 01, 2018 01:20 PM
Senyales na tuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng Lungsod San Jose, isa na namang bangko ang binuksan kahapon, Hulyo 31.
Ito ay ang ikalawang branch ng BDO Unibank sa lungsod na matatagpuan sa Walter Mart.
Dinaluhan ng ilang opisyal ng Lokal na Pamahalaan kabilang sina Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at City Administrator Alexander Glen Bautista gayundin ng mga iba’t ibang negosyante ang pagbubukas ng bangko.
Matapos ang blessing at panalangin na pinangunahan nina Fr. Renato Santos Jr. at Fr. Joseph Tolentino, nagkaroon ng ribbon cutting at lighting of candles, na sinundan naman ng pagsasabog ng mga barya bilang pampaswerte.
Ang BDO Walter Mart ay may luwang na halos 300 square meters. Apat ang BDO Automated Teller Machines (ATM) na magagamit sa buong mall. Tatlo rito ay matatagpuan sa mismong bangko, at ang isa naman ay sa side entrance ng mall.
Ayon sa Branch Manager na si Mrs. Melissa P. Pamintuan, bukas ang bangko Lunes hanggang Linggo, mula 9:00 AM hanggang 6:00 PM. Dagdag pa niya, ang pagbubukas ng bagong sangay ay magbibigay ng mas malawig na serbisyo sa libo-libong parokyano sa lungsod. Wika niya, “We find ways!”
Sa kasalukuyan, BDO ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas, at ikalabing-lima na pinakamalalaki sa buong Southeast Asia.
(Ramil D. Rosete)