Best of the Best (Battle of the Winners)
Published: April 20, 2023 03:00 PM
Nagpamalas ng galing sa pagkanta at pagsayaw ang walong mang-aawit at pitong dance group sa ginanap na Best of the Best (Battle of the Winners) Sing and Dance Competition kagabi (Abril 19) sa City Social Circle.
Matapos ang matinding pasiklaban ng mga kalahok na kampeon mula sa iba’t ibang bayan ng Nueva Ecija, nanguna sa singing competition ang San Josenio na si Mary Jane “MJ” Novelo na dating SJC Pop Idol champion.
Nakuha naman ni Kimberly Camus ang ikalawang puwesto at ikatlo si Gloria Concepcion.
Sa dance competition, nagkampeon ang grupong Lowkey Homies, sumunod ang Muñoz Identity, at Unity Dance Company.
Dumalo at bumati naman sa programa si Mayor Kokoy Salvador at inanyayahan ang mga manonood na makisaya sa iba pang mga aktibidad sa piyesta na inihanda ng lokal na pamahalaan.
Samantala, inaya naman ni Vice Mayor Ali Salvador ang mga naroon na lumahok sa kanyang Pagibang Damara Facebook Challenge kung saan maaaring manalo ang mga ito ng “Ride All You Can” sa peryahan na sagot niya mismo.