News »


Binhi ng sibuyas ipinamahagi sa mga magsasaka

Published: November 22, 2016 04:47 PM



Bilang ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng pesteng arabas o armyworm, namahagi nitong Biyernes (November 18) ang City Agriculture Office ng mga onion seed.

Ayon kay Agriculturist II Emeterio Cabiltes, dalawang klase ng binhi ang naipamahagi at aabot sa halos walong daan ang naibigay sa mga magsisibuyas mula sa mga piling barangay sa lungsod.

Nagpasalamat naman sa lokal na pamahalaan ang isa sa mga nabigyan ng naturang binhi na si Carlito Miniano.
Malaking tulong aniya ito upang makabawi sila mula sa pagkalugi.

Bahagi pa rin ito sa adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador na Sa Bagong San Jose, lahat ng mamamayan ay may “Kabuhayan”. (Ella Aiza D. Reyes)