Binibining Nueva Ecija 2022 Public Presentation and Recognition
Published: September 05, 2022 11:00 AM
Ipinakilala sa publiko at binigyan ng pagpupugay ng Lokal na Pamahalaan kaninang umaga (Setyembre 5) ang kinoronahang Binibining Nueva Ecija 2022 na si Princes B. Lazaga.
Nasungkit ni Lazaga ang titulo at tinalo ang 21 pang kalahok mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan sa idinaos na Grand Coronation Night nitong ika-31 ng Agosto sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City.
Bukod sa korona, nakuha rin niya ang special awards na Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.
Si Lazaga ang itinanghal na Miss San Jose City 2022 2nd runner-up noong Abril at siyang napiling kinatawan ng lungsod sa Binibining Nueva Ecija 2022.
Lubos naman ang pasasalamat ng 19 na taong gulang na dalaga mula Barangay Sibut sa suportang ibinigay sa kanya ng Lokal na Pamahalaan, kasama ang City Tourism Office at Mister and Miss San Jose City Organization, at sa lahat ng tumulong sa kanyang pageant journey.
Nagpahayag din siya ng kanyang hangarin na dalhin ang San Jose City sa national stage hanggang sa international pageant, kaya’t hiniling niya ang patuloy na suporta ng kanyang kapwa San Josenio para makapag-uwi ulit ng korona.