News »


BJMP, may Bagong Gusali

Published: December 09, 2021 01:35 PM



Pinasinayaan nitong Lunes, Disyembre 6, sa Brgy Malasin ang bagong gusali ng BJMP San Jose na may tatlong palapag at labinlimang selda. 

Ayon kay District Jail Warden Janice Cafungtan, kayang maglaman ng 175 “persons deprived of liberty” (PDL) ang bagong gusali na itinayo galing sa pondo ng national government gamit ang lupa na donasyon ng lokal na pamahalaan. 

Nagbigay ng mensahe si JCSupt Rebecca Pawid, Regional Director of the Jail Bureau. 

Dumalo rin sa okasyon sina San Jose City COP PLTCol Palmyra Guardaya, Executive Judge Cynthia Florendo, San Jose Prosecutor Ron Salmo, Asst. Regional Director for Administration JSSupt Kenneth Bid-ing, at DILG City Director Elria Hermogino. 

Inaasahang magagamit ang bagong gusali simula sa Disyembre 14.