News »


Bloodletting activity, isinagawa sa lungsod

Published: December 05, 2016 05:16 PM



Nagsagawa ng bloodletting activity ang City Health Office katuwang ang PJG Memorial Research and Medical Center nitong ika-lima ng Disyembre na may temang “Dugo ko, Buhay Ko”.

Ayon kay Program Coordinator Christian Pobre maliban sa mga benepisyong pangkalusugan na maaaring makuha ng mga nagdonate ng dugo, maaari ring magamit ng kanilang mga kabarangay ang kalahati ng bilang ng bag ng dugo na kanilang idinonate, kapag sila na rin ang mangangailangan nito.

Isa si Mark Anthony Tuwalya sa mga nag-donate ng dugo natutuwa aniya siyang makaambag sa ganitong aktibidad dahil bukod sa nakatutulong siya sa iba ay nagkakaroon pa siya ng mas malusog na pangangatawan.

Kaugnay nito, nanumpa naman sa isang pledge of commitment ang mga barangay officials na pinamagatang “Dugo ko, Buhay Ko” kung saan nakasaad dito na aktibo silang makikilahok sa bloodletting activities at nangakong susuportahan nila ang mga adhikain ng Kagawaran ng Kalusugan kasama ang City Health Office.

Nagpapasalamat naman OIC-City Health Officer Dra. Marissa Bunao sa mga tumugon at sumuporta upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad. (Ella Aiza D. Reyes)