Bloodletting Activity, isinagawa sa lungsod
Published: September 03, 2018 04:30 PM
Nakiisa ang mga San Josenian at iba pang mga taga-karatig bayan sa isinagawang bloodletting activity ng City Health Office (CHO) katuwang ang PJG Memorial Research and Medical Center noong ika-28 ng Agosto.
May temang “Dugo Ko, Buhay Ko” ang naturang aktibidad kung saan umabot sa 77 ang nakapag-donate ng dugo mula sa 131 sumalang sa screening.
Ayon kay Program Coordinator Christian Pobre, maliban sa mga benepisyong pangkalusugan na maaaring makuha ng mga nag-alay ng dugo, maaari ding magamit ng kanilang mga kabarangay o kasama sa organisasyon ang kalahati ng bilang ng bag ng dugo na kanilang idinonate kapag sila na rin ang mangangailangan nito.
Kaugnay nito, magsasagawa muli ang CHO ng bloodletting activity sa Disyembre.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng CHO sa mga tumugon at sumuporta upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad.