Brgy. Canuto Ramos, dinayo ng K Outreach
Published: August 30, 2017 04:47 PM
Sa pamamagitan ng K-Outreach Program, patuloy pa rin ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng mga libreng serbisyo sa mga barangay ng lungsod.
Nitong Agosto 29, dinumog ng mga residente ng Brgy. Canuto Ramos ang naturang programa sa kanilang barangay.
Ang K-Outreach na programa ng Punong Lungsod para sa mga mamamayan ay isang patunay ng makamasang paglilingkod sa kanyang nasasakupan.
Katulad ng mga serbisyong ibinaba sa ibang barangay, nakinabang din ang mga taga- Canuto Ramos sa mga libreng serbisyo gaya ng libreng reading glasses, bigas mula sa food for work program at libreng buhangin.
Gayundin ang libreng konsultasyon at gamot, libreng bitamina, pampurga at bakuna kontra rabies sa mga alagang hayop, libreng contraceptives, produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) at iodized salt at marami pang iba.
Kasama ring naghandog ng serbisyo ang tanggapan ni Congw. Mikki Violago.
Naging masaya naman ang mga mag-aaral ng San Jose West Central School sa isinagawang Zumbaesekwela sa paaralan.
Sa Huwebes, dadayo naman ang K-Outreach Program sa Brgy. Rafael Rueda at maaasahang bibisita sa iba pang barangay sa lungsod para sa pagpapatuloy ng mga serbisyong laan para sa mga San Josenio.
(Rozz Agoyaoy-Rubio)