News »


Brgy. R Eugenio Cooking Contest

Published: August 03, 2023 05:05 PM



Hindi nagpahuli sa pagalingan ng pagluluto ang mga nanay sa Brgy. R. Eugenio sa ginanap na cooking contest doon kahapon (Agosto 2).

Iba’t ibang putahe gamit ang tokwa bilang pangunahing sangkap ang inihain ng apat na grupong kalahok dito.

Kaugnay nito, pumatok sa mga hurado ang sweet and sour tofu nuggets with malunggay ng Group 4 at siyang nanguna sa patimpalak.

Sumunod naman ang tokwa't baboy with shrimp ng Group 3, ikatlo ang tokwa with chicken ng Group 1, at ikaapat ang tokwa ala king ng Group 2.

Idinaos ang naturang cooking contest sa R. Eugenio Barangay Hall compound bilang pagdiriwang ng 49th Nutrition Month na may temang "Healthy Diet Gawing Affordable for All!"