Brgy. Sinipit Bubon, dinayo ng K-Outreach Program
Published: April 18, 2018 11:15 AM
Bagama’t abala ang Lokal na Pamahalaan sa paghahanda para sa taunang Pagibang Damara Festival, wala pa ring tigil sa paghahatid ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ng San Jose sa pamamagitan ng K-Outreach Program.
Dinayo ng programa ang Brgy. Sinipit Bubon nitong nakaraang Biyernes (April 13), kung saan nakatanggap ang mga residente ng iba’t ibang serbisyo gaya ng libreng bigas para sa Food for Work Program, reading glasses, mga gamot, buto ng gulay at prutas, libreng konsultasyon, bunot ng ngipin at gamutan.
Maliban dito, nagbigay rin ng libreng contraceptives, masahe mula sa H2P3, libreng gupit, iodized salt, choco milk para sa mga bata, at marami pang iba.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga residente dito na makasalamuha at makakuwentuhan si Mayor Kokoy Salvador at maiparating ang kani-kanilang saloobin at pangangailangan na buong puso namang pinakinggan ni Mayor Kokoy.
Nakasalo rin ng mga residente sa isang Boodle Fight na pananghalian ang Punong Lungsod at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Kasama rin sa naturang programa si Vice Mayor Glenda F. Macadangdang at ilang konsehal ng lungsod kabilang na sina Konsehal Trixie Salvador, Victoria Adawag, Roy Andres, at Niño Laureta na nagbigay rin ng mensahe.
Samantala, muling dadayo at maghahatid ng mga libreng serbisyo ang K Outreach Program sa Brgy. Culaylay sa darating na Biyernes (April 20).