Brgy. Sto Ni�o 2nd, dinayo ng K Outreach Program
Published: February 26, 2018 05:07 PM
Para sa patuloy na paglilingkod ng Lokal na Pamahalaan sa mga mamamayan ng San Jose, muli na namang naghatid ng libreng serbisyo ang K Outreach Program nitong nakaraang Biyernes (Pebrero 23) sa Brgy. Sto. Niño 2nd.
Ito ay tugon para sa ilang pangangailangan ng mga San Josenians, tulad na lamang ng libreng reading glasses, seedlings, buhangin, contraceptives, iodized salt, libreng konsultasyon at gamot, at libreng bigas para sa Food for Work Program, at marami pang iba.
Nakinabang din ang mga taga-Sto. Niño 2nd sa libreng masaheng hatid ng H2P3 massage therapists, libreng gupit mula sa mga kasundaluhan at almusal handog ng mobile kitchen.
Lalo pang naging masigla ang programa nang sama-samang sumayaw ang mga bata sa Zumba Eskuwela.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga residente rito na makasalamuha at makakuwentuhan si Mayor Kokoy Salvador at maiparating ang kani-kanilang saloobin at pangangailangan.
Kasama rin sa naturang programa si Vice Mayor Glenda F. Macadangdang at ang ilang konsehal ng lungsod kabilang na sina Coun. Trixie Salvador, Roy Andres, at Niño Laureta na nag-iwan ng mensahe sa mga dumalo.
Kaugnay nito, nakasalo ng mga residente sa isang Boodle Fight na pananghalian ang Punong Lungsod at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Samantala, pakaabangan naman kung anong barangay ang susunod na dadayuhin ng K Outreach Program sa darating na Biyernes (Marso 2).
(Rozzalyn A. Rubio)