Budget Officers ng N.E, nagpulong sa lungsod
Published: January 19, 2018 05:32 PM
Dumayo sa Lungsod San Jose ang mga Budget Officers mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad sa Nueva Ecija upang isagawa ang Association of Local Budget Officers (ALBO) meeting, kung saan tinalakay ang ipinagmamalaking best practices at accomplishments ng lungsod pagdating sa pagba-budget at pagpapaunlad ng San Jose.
Iprinisinta ni City Budget Officer Cyrus Wilson Vizcarra ang mga accomplishments ng lungsod tungkol sa budget management at ipinanood sa mga bisita ang Audio Visual Presentation na nagpapakita sa magagandang nagawa sa San Jose gaya ng OTOP Pasalubong Center, Interactive Fountain, I ???? SJC standee, at gayundin ang ginagawang imahe na pagiging Christmas Capital ng San Jose sa buong Nueva Ecija.
Natuwa naman ang mga bisita sa nakitang malaking pagbabago sa lungsod at nagpasalamat sila kay Mayor Kokoy Salvador sa walang sawang pagsuporta sa kanilang asosasyon.
Sa mensahe ng Punong Lungsod, ipinaabot niya ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa pagbisita ng budget officers, at sinabing ipagpapatuloy ang kaniyang adhikaing mas mapabuti, mapaunlad at mapaganda pa ang Bagong San Jose.
Nagkaroon din dito ng pagbabahagi ng mga ideya kung papaano mas mapabuti ang budget management sa kanilang mga lugar na nasasakupan, para mapunta sa mas kapaki-pakinabang na bagay ang pera ng bayan.
Pinangunahan ng mga kawani ng City Budget Office ang nasabing aktibidad na ginanap sa Farmhouse Hotel and Café nitong Enero 12.
(Jennylyn N. Cornel)