News »


Cash Assistance para sa Typhoon Lando victims, iginawad

Published: September 29, 2017 05:24 PM



Naipamahagi na kahapon (September 28) ang tulong pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) para sa 48 pamilya na lubhang naapektuhan ng bagyong Lando na sumalanta sa lungsod noong 2014.

Nakatanggap ng tig-sampung libong piso ang 39 na pamilya na kabilang sa mga may partially damaged houses, habang tatlumpung libong piso naman ang natanggap ng siyam na pamilya na naitalang may totally damaged houses.

Iginawad nina City Social Welfare Development Officer Lourdes Medina at City Councilor Patrixie Salvador, kasama ang kinatawan ng DSWD Field Office 3 ang tseke sa mga benepisyaryo, at lubos naman ang kanilang pasasalamat sa tulong na kanilang tinanggap mula sa pamahalaan.

(Ella D. Reyes)