Cash for Work Program for PWDs
Published: May 11, 2023 07:00 PM
Ipinagkaloob kaninang umaga (Mayo 11) sa 214 na Persons with Disabilities (PWD) ang kanilang benepisyo mula sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahi-CIDSS Cash for Work Program for PWD ng Department of Social Welfare and Development.
Katuwang ng DSWD ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pamamahagi ng nasabing benepisyo sa ginanap na programa sa WalterMart San Jose.
Dinaluhan ito ng kinatawan ng DSWD Regional Office na si Division Chief Vilma Serrano, gayundin nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang miyembro ng Sanggunian Panlungsod.
Ayon kay Mayor Kokoy, huwag malungkot dahil sa kapansanan sapagkat mayroon pa rin silang natatanging kakayahan.
Tiniyak naman ni Vice Mayor Ali na laging nakasuporta ang pamahalaan sa mga PWD, na sinang-ayunan din ni Seranno at sinabing “no one is left behind.”
Samantala, nilinaw ng PDAO na ang mga kasali sa Kalahi-CIDSS ay nagtrabaho at tumulong sa kani-kanilang barangay sa pamamagitan ng pagtatanim at paglilinis.