Charcoal Briquetting & Charcoal Vinegar Production
Published: December 02, 2021 03:44 PM
Panibagong mapagkakakitaan na naman ang binuksan at sinimulan dito sa lungsod sa pamamagitan ng MOKOSAKU o Charcoal Briquetting & Charcoal Vinegar Production.
Napiling benepisyaryo ng programang pangkabuhayang ito ang Tayabo Agro-Entrepreneur and Nature Innovators Movement (TANIM) Association.
Kaugnay nito, tinanggap kahapon ng pangulo ng TANIM Association na si Simeon Tablizo ang mga kagamitang nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso.
Bukod sa awarding ceremony, nagkaroon din ng pagsasanay sa pangunguna ni Senior Science Research Specialist Moreno L. Santander Jr. mula sa DOST Biņan Laguna.
Kasama sa itinuro ang tamang paggamit sa makinarya upang makagawa ng uling, mga dapat at hindi dapat gawin upang tumagal ang nasabing makinarya, at kung paano kikita sa paggawa ng uling.
Magpapatuloy hanggang ngayong araw ang pagsasanay.
Naisakatuparan ang naturang programang pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE, sa pakikipag-ugnayan ng Public Employment Service Office ng lokal na pamahalaan.