Chess Tournament
Published: April 20, 2023 01:19 PM
Nagtagisan ng galing sa chess ang 77 manlalaro mula sa San Jose City, Science City of Muņoz, Llanera, Lupao, Carranglan, at Rizal sa ginanap na Chess Tournament sa WalterMart-San Jose kahapon (Abril 19).
Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng paglalaro nina Mayor Kokoy Salvador at National Chess Master Jake dela Cruz na isa ring San Josenio.
Sa mensahe ni Mayor Kokoy, ikinatuwa niya na maraming nahihilig sa chess dahil malaking tulong umano ang paglalaro nito lalo na sa mga may edad upang makaiwas sa sakit na Alzheimers Disease.
Dagdag pa niya, mas mabuting hikayatin ang mga kabataan na maglaro ng chess kaysa laging gumamit ng gadgets.
Samantala, matapos ang limang round na tagisan ng chess players sa nasabing torneo, nagkampeon sa Open Category si Aldin James dela Rosa, pangalawa si Crisanto Sudario, at pangatlo si Jonathan Duran.
Sa Persons with Disability (PWD) Category, panalo si Christian Nicolas na nakasungkit ng unang puwesto, sumunod sina Erizalde Nolasco, at Amiel Jhune Aban.
Kinilala rin ang mga kalahok na sina Nonilio Calusa, Sr. bilang Top Senior chess player; Josiah Nathan Mendoza bilang Top Junior; at Zairen Maze Orjalo bilang Top Lady chess player.