Chikiting Ligtas ng DOH
Published: May 02, 2023 12:04 PM
Inilunsad kaninang umaga (Mayo 2) sa lungsod ang programang Chikiting Ligtas ng Department of Health (DOH) para sa malawakang pagbabakuna kontra polio, rubella, at tigdas.
Pinangunahan ito ng City Health Office (CHO) kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at City Councilor Dr. Susan Corpuz, Committee on Health Chairperson ng Sangguniang Panlungsod.
Bukod sa pagpapaalala sa kahalagahan ng pagbabakuna, binigyan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali ng oral polio vaccine ang dalawang sanggol sa tulong nina City Health Officer Dr. Rizza Esguerra at ilang kawani ng CHO.
Kaugnay nito, hinihikayat na pabakunahan ngayong May 1-31 kontra tigdas at rubella (MR) ang mga batang 9 hanggang 59 na buwan at bakuna kontra polio (OPV) naman para sa 0 hanggang 59 na buwan.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang #ChikitingLigtas FAQ bit.ly/ChikitingLigtasFAQ