News »


City Day Babies

Published: August 14, 2023 02:10 PM



Nakatanggap ng regalo mula sa lokal na pamahalaan ang pitong sanggol na isinilang nitong Agosto 10 na tinaguriang ‘City Day Babies’.

Dinalaw sila nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal para personal na ihandog ang kanilang regalo na baby starter kit na naglalaman ng damit, bib, duyan, comforter, kulambo, baby bath tub, wet wipes, at diaper.

Bukod dito, libre din ang pagrerehistro ng kanilang kapanganakan sa Local Civil Registry Office at may cash gift pa.

Kabilang sa City Day Babies sa taong ito sina Alexa Jane Soriano, Zadie Abiah Masi, Athena Duran, Lucas Tyler Rolle, John Dave Gubilab, Shayel Sanchez, at Hanna Mae Lopez na isinilang sa iba’t ibang ospital at paanakan sa lungsod.