News »


City Day Babies 2022

Published: August 11, 2022 04:00 PM



Mapalad ang pitong sanggol na isinilang sa mismong Araw ng Lungsod San Jose na hinandugan ng regalo ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng City Population Office.

Tinawag na "City Day Babies" sina baby Calix Sarmiento, Althea Redd Santiago, Zane Kasper De Leon, Ronleex Fred Marzan, Jamir Infante, John Michael Santos, at Sean Villamar na ipinanganak kahapon, Agosto 10 sa ibat ibang ospital at paanakan sa lungsod.

Nakatanggap ang mga sanggol ng baby starter kit gaya ng duyan, comforter, kulambo, baby bath tub, diaper, wipes, at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng Php4,000.

Personal na iniabot nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador ang regalo, kasama sina City Councilor Trixie Salvador, City Population Officer Nathaniel Vergara, at City Civil Registrar Virginia Veneracion.

Bukod dito, libre din ang pagrerehistro ng kanilang kapanganakan sa Local Civil Registry Office.