City Day Babies, may aginaldo!
Published: August 15, 2017 04:57 PM
Personal na binisita ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang labing-isang sanggol na isinilang noong Agosto 10, araw ng selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng Lungsod ng San Jose. Ang mga sanggol na ito ay tinawag na "City Day Babies".
Nakatanggap ang mga babies na sina Cyrus Abalos ng Sto. Tomas, Ryan Jose Pacubas ng A. Pascual, Kiein Marthel Nicolas ng Sibut, Samantha Gabriel Capinpin ng Villa Joson, John Jose Apalla ng Sto. Nino 1st, Bernadeth dela Cruz ng Kita-kita, Zane Jairus Del Rosario Espiritu ng Caanawan, Lestlyn Mejidona ng Sto. Tomas, Marcus Rhahir Cabie ng Crisanto Sanchez, Nizha Beguija ng San Mauricio, at Genice Baluyot ng mga starter kit for babies gaya ng baby swing, comforter, bath tub, kulambo, bonnet, damit, bib, mittens, sapatos, blanket hood, at iba pa.
Libre na rin ang pagpaparehistro ng kanilang kapanganakan na handog pa rin sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat naman ang mga nanay ng mga sanggol sa handog sa kanila ng butihing Punong Lungsod, City Population Office at Local Civil Registry Office.
(Jennylyn N. Cornel)