CITY DAY CELEBRATION EXECUTIVE COMMITTEE MEETING
Published: July 13, 2016 04:09 PM
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng 47th City Day sa darating na buwan, nagpulong nitong Hulyo 11 ang mga miyembro ng Executive Committee na mangangasiwa ng naturang okasyon.
Tinalakay sa pulong ang magiging tema ng selebrasyon ngayong taon at mga aktibidad na isasagawa. Plano namang gawing dalawang araw ang pagdiriwang mula Agosto 9-10. Nais din ng komite na magkaroon ng partisipasyon dito ang mga barangay at lahat ng sektor. Magpupulong ulit ang komite sa mga darating na araw upang mailatag ang isasagawang pinal na programa at mga aktibidad para sa Araw ng Lungsod San Jose. Muling tatayong City Day Celebration Committee Chairman si City Engineer Esteban C. Valdez Jr. at Co-Chairman naman si City Administrator Alexander Glen E. Bautista.