News »


City Day Zumba

Published: August 09, 2022 03:00 PM



Isang masiglang umaga ang hatid ng Zumba in the City (ZITC) sa lungsod kanina (Agosto 9) sa ginanap na aktibidad sa City Social Circle.

Bukod sa mga ZITC Zin, lumahok din ang DTL PH Zins at mga guest celebrity Zin na sina Zin Meekay, Jay, Paolo, Allan, at Toto ng TML Crew.

Nakiisa rin dito si Vice Mayor Ali Salvador at nagpahayag ng kanyang suporta sa naturang physical fitness program.
Game na game ding nag-Zumba si Vice Ali, kasama ang 300 Zumba enthusiasts na dumalo sa programa.

Dagdag pa rito, ginawaran ng special awards ang mga sumusunod na kalahok:

Best in Zumba Attire – Catherine de Guzman
Zumba King – Harold Jabate
Zumba Queen – Joan San Jose
Most Energetic Moves – Jocelyn Silva
Most Attended Group – Aero Addicts
Most Colorful Group – ZITC Babes