News »


City Fire Marshal SINSP Julius R. Mangrubang

Published: February 07, 2023 05:30 PM



Nag-courtesy call ngayong araw (Pebrero 7) kay Mayor Kokoy Salvador sa Tanggapan ng Punong Lungsod ang bagong Acting City Fire Marshal dito na si SINSP Julius R. Mangrubang.

Mainit namang tinanggap ni Mayor Kokoy ang bagong hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Jose City na pumalit kay CINSP Josie G. Lising.

Si Mangrubang ay tubong Sto. Domingo, Nueva Ecija at nagtapos sa Araullo University ng kursong BS Criminology at Master in Public Management (MPM).

Dati siyang nagsilbi sa Sta. Rosa Fire Station bago maitalaga sa lungsod.

Sa kanyang mensaheng ipinaabot, layon ni Mangrubang na maibigay ang pinakamagandang serbisyo sa ating mamamayan.

Aniya, “Mula po sa mga mahal ninyong bumbero, laging pakatandaan sa pag-iwas sa sunog ‘di ka nag iisa. Sa anumang sakuna, maaari n’yo po kaming tawagan sa numerong 09254530777."