Citywide Anti-Rabies Vaccination Program
Published: March 21, 2018 07:39 PM
Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may tema ngayong taon na “Barangay Kaagapay, Laban sa Rabis Tagumpay”, 42 aso ang nabakunahan kontra rabis kanina (March 21) sa Brgy. Sto. Niño 1st.
Ito’y sa pamamagitan ng Citywide Mass Vaccination Program sa ilalim ng City Veterinary Office, kung saan binibigyan ng libreng bakuna ang mga alagang aso na pangunguna ng mga kawani ng opisina.
Ang naturang programa ay nagsimula pa noong February 6 at magtatagal hanggang May 18 sa paglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga aso sa pagkakaroon ng rabis, at maproteksyunan din ang pamayanan laban dito.
Ang City Veterinary team ay umiikot sa iba’t ibang barangay para sa pagbabakuna sa mga aso.
Maaari ring dalhin ang alagang aso sa City Veterinary Office at magbayad ng kaukulang halaga sa bakuna (50 pesos para sa AsKal, at 100 pesos naman para sa asong may breed).