Pagibang Damara Festival 2024 »


Color Run 2024 Registration

Published: April 05, 2024 02:00 AM   |   Updated: May 29, 2024 03:38 PM



Dinumog ang pagpaparehistro para sa Color Run nitong umaga, Abril 5 sa Pag-asa Sports Complex.

Kaugnay nito, sarado na ang registration para sa mga kalahok na makakukuha ng libreng runner's kit sa Abril 12.

Gaganapin naman ang Color Run sa Abril 20 na isa sa mga patok na aktibidad sa lungsod tuwing Pagibang Damara Festival.

Paglilinaw sa mga hindi nakapagpatala ngayong araw, maaari pa ring sumali sa Color Run suot ang puting t-shirt.