Community-Based Inclusive Development (CBID) Training Workshop
Published: October 10, 2022 05:00 PM
Nagkaroon ng Community-Based Inclusive Development (CBID) Training Workshop ang Persons with Disabilities at Barangay Stakeholders ng Sto. Niņo 1st, 2nd, at 3rd na pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa City Hall ngayong araw (Oktubre 10).
Layunin nito na madagdagan ang kaalamam ng mga PWD sa lungsod tungkol sa mga serbisyo at programa na nakalaan para sa mga miyembro sa tulong ng Lokal na Pamahalaan.
Tinalakay rin ang mga nararanasang diskriminasyon ng mga PWD na binigyang-pansin ni Disability Affairs Officer II Christian Nicolas na nagsilbing tagapagsalita.
Aniya, bilang miyembro, hindi nararapat na magpatuloy ang ganitong pagtrato at gawain sa mga kapwa niya PWD ngunit respeto at patas na pagtingin dapat ang manaig sa bawat isa.
Kinalap din sa workshop ang mga pangangailangan ng bawat barangay sa medikal, edukasyon, pangkabuhayan, at iba pa upang magkaroon ng resolusyon ukol dito.
Para sa mga miyembrong nais makakuha ng mga benepisyong hatid ng samahan ng PWD, makipag-ugnayan lamang sa PDAO para sa ibang impormasyon at proseso nito.