News »


Contact Tracing Deployment

Published: October 22, 2020 12:00 AM



Pormal nang nai-deploy ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang unang grupo ng  COVID-19 contact tracers na binubuo ng 21 katao para sa Lungsod San Jose kahapon, October 21, sa isang orientation at welcome meeting na ginawa sa City Hall.

Dumalo sa pagpupulong ang Punong Lungsod Kokoy Salvador at ilang kasalukuyang miyembro ng LGU Contact Tracing team na inorganisa ilang buwan na ang nakararaan alinsunod sa Task Force COVID-19 ng lungsod.

Kamakailan ay nagkaroon ng malawakang recruitment ng contact tracers ang DILG para palakasin ang contact tracing na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan. 

Sa kabuuan, 50 contact tracers ang inilaan ng DILG para sa Lungsod San Jose. Ang susunod na grupo ay magsisimula rin sa kanilang tungkulin  pagkatapos ng training.

Ang pangangalap ng contact tracers ay isinagawa sa pamamagitan ng Provincial Office ng DILG. Dumaan sa online interview at masusing pagsasanay ang mga natanggap na aplikante.

Ang contact tracing ay isa sa mga kritikal at epektibong pamamaraan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.