News »


Contact Tracing sa Lungsod, Pinaigting

Published: September 01, 2020 12:00 AM



Nagsagawa ng simultaneous orientation & training ang LGU Contact Tracing Team para sa kanilang mga barangay counterparts ngayong araw, September 1 sa City Hall Building at City Health Office Conference Room.

Hinati sa walong (8) cluster ang mga barangay contact tracers at nagkaroon ng sesyon sa umaga at sa hapon. 

Sa training ay ibinahagi ang mga mahahalagang kaalaman upang matulungan ng barangay ang Lokal na Pamahalaan sa contact tracing na mahalagang gawin upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng patient confidentiality at Data Privacy Act sa pagsasanay. 

Noong Hulyo, sumailalim na sa "virtual orientation and training for contact tracing" ang iba't ibang LGU sa bansa. Ang mga natutunang aral dito ang ginagamit ngayon sa pagko-contact tracing sa bawat kaso ng COVID-19 sa lungsod. 

Ang contact tracing team ng Lokal na Pamahalaan ay binuo ilang buwan na ang nakararaan at ito ay kinabibilangan ng iba't ibang opisina at mga kinatawan mula sa Office of the City Mayor - Extension, City Health Office, LDRRMO, PESO, DILG, Community Affairs Office, City Population Office, Franchising, BPLO, at Public Information Office. Kabilang din sa kabuuang Contact Tracing Team ng lungsod ang mga ahensya ng PNP, BFP at Philippine Army, gayundin ang Liga ng mga Barangay, asosasyon ng 4P's at TODA.