COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Pediatric Vaccination Schedule - 1st Dose (November 9, 2021)

Published: November 08, 2021 05:00 AM   |   Updated: November 08, 2021 08:53 PM



SAN JOSE CITY COVID-19 VACCINATION - FIRST DOSE

Narito ang listahan ng unang 300 na may edad 12 hanggang 17 yrs old na nagparehistro online na maaari nang bakunahan sa Martes, Nobyembre 9, sa PAG-ASA Sports Complex. Kabilang din dito ang mga 18 yrs old pataas at mga reschedule ng 2nd dose.

MGA DAPAT DALHIN SA ARAW NG PAGBABAKUNA NG EDAD 12-17:
1. Kung may comorbidity ang bata, medical certificate na nagsasaad ng comorbidity ng batang babakunahan. 
2. Proof of filiation o dokumento na nagpapatunay ng relasyon o kaugnayan ng batang babakunahan at ng magulang o tagapag-alaga/guardian (gaya ng birth certificate).
3. Valid ID ng bata at ng magulang o tagapag-alaga.
Bukod dito,  kailangang pirmahan ng magulang o tagapag-alaga ang Informed Consent Form at sasamahan ang bata sa araw ng pagbabakuna.

- Hindi muna tatanggap ng walk-in sa edad 12 hanggang 17
- Tatanggap ng walk-in sa edad 18 pataas mula 1 PM hanggang 4 PM.
- Sa mga nagparehistro, mangyaring dumating sa takdang oras.
- Ang registration form ay makukuha sa vaccination site (PAG-ASA).
- Magdala ng valid ID at sariling ballpen.
- Magsuot ng face mask at face shield.
- Dumating sa takdang oras.
- Panatilihin ang physical distancing. 

#Resbakuna
#BIDABakunation
#ProtektadoAngBakunado