COVID Case #4
Published: July 20, 2020 12:00 AM
Bunsod ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod, nagkaroon ng pagpupulong ang Local IATF upang siguraduhin ang koordinasyon ng iba't ibang ahensya ng Lokal na Pamahalaan magmula barangay hanggang City Health Office at Ospital ng Lungsod San Jose.
Binigyang diin ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang kahalagahan ng mabilis na koordinasyon at pagbibigay ng tamang impormasyon, gayundin ang masusing imbestigasyon para sa contact tracing.
Nagtatrabaho bilang security guard sa WalterMart - Muņoz, Quezon City si Patient #4, 36 yrs old at taga-Brgy Palestina. Nanatili siya sa Metro Manila magmula nang magkaroon ng ECQ at nakauwi lamang noong madaling araw ng July 17.
Kasalukuyan namang nasa PJG ang pasyente at bumubuti na ang pakiramdan, ayon kay City Health Officer Dr. Marissa Bunao.
Sa ngayon ay nasa Quarantine Facility na ang naging close contacts ni Patient #4.