COVID-19 Bulletin »


COVID-19 Safety Protocols para sa Semana Santa

Published: March 29, 2021 03:00 AM   |   Updated: June 08, 2021 02:58 PM



Nagpatawag ng emergency meeting kaninang umaga (Marso 29) sa Pag-asa Sports Complex si Mayor Kokoy Salvador para talakayin ang mga COVID-19 protocol sa lungsod ngayong Semana Santa. 

Dumalo sa pulong sina PNP San Jose Chief PLTCOL Criselda de Guzman, Romeo Domingo ng San Jose City Contact Tracing Team/Local IATF, Executive Assistant IV Sandy Cervantes ng Office of the City Mayor (OCM) – Extension, at mga Punong Barangay.

Pinag-usapan dito ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga barangay at Pulisya sa pagmo-monitor at pagpapatupad ng mga health at safety protocols gaya ng pagbabawal sa malalaking pagtitipon o mass gathering at pagkukumpulan ng mga tao.

Binigyang-diin din ang pagbabawal na lumabas kung hindi kinakailangan, lalo na sa mga edad 18 pababa at 65 pataas, mga buntis, may immunodeficiency at co-morbidity; gayundin ang pagpapatupad ng curfew na 9:00pm hanggang 4:00am, sang-ayon sa huling Executive Order No. 12 ng Punong Lungsod na epektibo simula ngayong Marso 29.