COVID-19 Bulletin »


COVID-19 VACCINATION DRIVE | PRIORITY GROUP A2 (Senior Citizens)

Published: April 21, 2021 03:00 PM



Nabakunahan ngayong araw, Abril 21 ang 100 senior citizens para sa pagpapatuloy ng COVID-19 Vaccination Drive ng lungsod.

Ang mga naturang senior citizen ay kabilang sa mga nakapagrehistro simula nang ilunsad ang online registration form nitong Abril 16 at mga personal na nagrehistro nitong Abril 19 sa Pag-asa Sports Complex.

Sa ngayon, mahigit 1,000 na ang kabuoang bilang ng nakapag-pre-register na kasama sa Priority Group A2 (senior citizens) at Group A3 (18-59 years old with controlled comorbidities).

Dumating para obserbahan ang pagbabakuna sa lungsod ang Regional Director ng DOH na si Dr. Corazon I. Flores. 

Ang susunod na schedule ng pagbabakuna at bilang ng babakunahan ay nakadepende sa supply ng bakuna na galing sa DOH. 

Iti-text o tatawagan naman ang mga mababakanuhan sa susunod na schedule ayon sa pagkakalista sa online at on-site pre-registration. 

Hindi na kinakailangang magpa-rehistrong muli kung nakapagpa-rehistro na gamit ang online form o nagpunta sa PAG-ASA Sports Complex noong April 19. Ang mga nagpa-rehistro naman on-site ay hindi na rin kailangang magpa-rehistro online. 

Samantala, nauna nang nabakunahan ang 160 senior citizens noong Abril 16.