COVID-19 Vaccination Team Meeting (July 2)
Published: July 02, 2021 01:00 PM
Nagpulong nitong umaga, July 2, sa OCM Conference Room ang COVID-19 Vaccination team upang talakayin kung paano mas mapapabuti ang sistema ng pagbabakuna sa lungsod.
Binigyang diin ang pagbibigay ng bakuna sa mga naka-rehistro lamang at hindi muna makakapag-accommodate ng walk-in dahil sa limitadong supply ng bakuna na nanggagaling sa Department of Health.
Ayon kay Mayor Kokoy Salvador, prayoridad pa rin ang mga nasa kategoryang A1 (health care frontliners at OFWs na nakatakdang umalis sa bansa), A2 (senior citizens), at A3 (mga taong may controlled co-morbidity at regular na nagme-mentina ng gamot) ayon sa guidelines ng DOH.
Samantala, ang mga bakuna para sa kategoryang A4 (economic frontliners/ essential workers) ay limitado pa lamang sa NCR at mga karatig na lugar, subalit maaari nang magpa-rehistro ang mga nasa ilalim ng kategoryang ito.
Narito naman ang mga link para sa online registration:
Priority Group A1 (health care workers and their nuclear families, OFWs for deployment):
https://bit.ly/SJCVacA1
Priority Group A2 (senior citizens) & A3 (persons with co-morbidity)
https://bit.ly/SJCVacA2A3
Priority Group A4 (economic frontliners/ essential workers)
https://bit.ly/SJCVacA4