News »


Day Care Parents, nagpagalingan sa Cooking Contest

Published: August 03, 2018 04:51 PM



Nagpagalingan at nagpasarapan ng luto ang grupo ng mga magulang mula sa iba’t ibang Day Care Centers sa lungsod sa idinaos na Cooking Contest noong Hulyo 30 sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi ng 44th Nutrition Month Celebration.

Hinati sa tatlong kategorya ang cooking contest: Vegetable, Meat, at Fish category.
Mula sa 15 kalahok, nalasap ng Rigos Block Day Care Center ang tagumpay dahil sa kanilang Flying Fish Pumpkin Mushroom para sa Vegetable Category.

Samantala, sa ilalim ng Meat Category, wagi sa panlasa ng mga hurado ang inihandang Hamonadong Karne ng Porais Day Care Center na tumalo sa 30 kalahok.
Nangibabaw rin ang sarap ng Fish Roll na inihanda ng Tabulac Day Care Parents mula sa 13 lumahok.

Ang nasabing kompetisyon ay inorganisa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan ng City Nutrition Office.

Kaugnay nito, iba’t iba pang aktibidad gaya ng Nutri Puzzle, Food Art/Carving, Baby Crawl, Milk Drinking, Bring Me, at Baby Bump Photo Contest ang pinangunahan ng City Nutrition Office para sa selebrasyon ng Nutrition Month na may tema ngayong taon na “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon, Aanihin”.