Delegado ng San Jose sa Batang Pinoy 2016, nag-uwi ng karangalan
Published: December 07, 2016 05:40 PM
Bitbit ang tagumpay at mga medalya, taas noong umuwi ang mga delagado ng lungsod na lumahok sa Batang Pinoy 2016 National Championships na ginanap sa Tagum City, Davao del Norte nitong Nov 27-Dec 2.
Umani ng 3 gold at 2 silver medals ang pambato ng San Jose City para sa larong cycling na si Jeremy Genesis Maraņa.
Nangibabaw si Maraņa sa critirium event ng girls 14 to15 yrs old category sa oras na 14:34, pumangalawa ang Davao City sa 14:39 at nakuha naman ng Cebu City ang bronze medal sa 14:39.
Naitala naman ang 23:30 minuto ni Maraņa para sa category ng 16 to 17 yrs old na nagbigay muli ng isa pang gold medal sa dalaga, pumangalawa dito ang Olongapo City sa 23:32 at ikatlo ang Manayon sa 23:32.
Naiuwi rin niya ang gold medal mula sa 20km road race competition.
Nasungkit rin ni Maraņa ang dalawang silver medals mula sa individual time trial at mountain bike.
Di rin nagpatalo ang mga kinatawan ng San Jose para sa larong Karatedo na nakapag-uwi ng isang gintong medalya mula kay Andrei Mel dela Cruz at dalawang silver medals mula kina Marijune Adriano at Andrei Viray.
Dagdag pa rito ang tatlong bronze medals na inuwi naman ni Ma. Celine Paglingayen.
Nagkaroon din ng delegado ang lungsod na lumaban para sa larong table tennis.
Buo naman ang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga batang lumahok sa nasabing patimpalak.
Ang Batang Pinoy ay programa ng Philippine Sports Commission na matatandaang naitatag noong 1988 alinsunod sa Executive Order No. 44.para sa mga kabataang edad 17 pababa.
(Rozz Agoyaoy-Rubio)