News »


Digital Literacy Training for Barangay Treasurers and Secretaries (Day 1)

Published: October 05, 2022 01:43 PM



Isinasagawa ngayon (Oktubre 5) ang Basic Digital Literacy Training and Workshop para sa ikalawang pangkat ng mga Barangay Treasurer at Secretary sa lungsod.

Magtatagal ang pagsasanay hanggang bukas na inorganisa ng Aklatang Panlungsod, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng Tech4Ed Program ng nasabing ahensiya.

Itinuturo ngayong araw sa 30 kalahok ni DICT Project Development Officer II Roma V. Herminigildo kung paano gumamit ng Microsoft Word at Microsoft Excel o Spreadsheet, at bukas naman ituturo ang Microsoft Powerpoint.

Ayon kay City Librarian Helen Ercilla, dahil sa pandemya ay mas lumaganap ang digitalization kaya’t nararapat lang na mas matuto tayo sa paggamit ng teknolohiya.