News »


Distribution of Hybrid Seeds | 7 October 2016

Published: October 07, 2016 01:36 PM



Inumpisahan na ng City Agriculture Office ang distribusyon ng tatlong libo at limangdaang sako (3,500) ng subsidized hybrid seeds para sa mga magsasaka sa lungsod na nitong araw (October 6) sa Demo Farm, Malasin.

Mula sa orihinal na presyo nitong Php 5,100.00 kada sako, sinagot na ng pamahalaang lokal ang halos kalahating presyo nito na pumapatak ng Php 2,500.00 at halagang Php 2,600.00 naman ang sinagot ng mga magsasaka.

Ayon kay City Agriculturist Reynaldo Amarillo, nanggaling ang mga binhi sa Department of Agriculture at magpapatuloy ang pamamahagi ng naturang binhi hanggang sa maubos ang mga ito.

Dumalo naman sa pamamahagi ng subsidized hybrid seeds sina City Administrator Alexander Glen Bautista at Dr. Eva Fernando ng Department of Agriculture Region III. (Ella Aiza D. Reyes)