Division Pop Quiz & On-the-Spot-Skills-Exhibition
Published: November 16, 2016 12:11 PM
Kabataang San Josenians, nagtagisan sa Pop Quiz at On-The-Spot-Contests
Nagpamalas ng galing ang mga high school students mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa isinagawang 2016 Division Population Quiz and On-The-Spot-Contests na may temang ‘“Sustainable Development Goal and the Youth Addressing Challenges and Opportunities”’.
Panalo sa Pop Quiz ang pambato ng San Jose City National High School na si Lance Ju-el Galamay, habang ang kinatawan naman ng Mount Carmel Montessori Center na si Liz Angela V. Ruiz ang nanguna sa essay writing.
Samantala, nakuha naman ni John Marius Mamaril ng San Jose City National High School ang unang puwesto sa poster making contest, at nangibabaw naman sa pagsulat at pagkanta ng jingle si IIy Ruiz Figalan mula sa Mount Carmel Montessori Center.
Dumalo sa naturang aktibidad ang butihing Punong Lungsod Kokoy Salvador bilang pagpapakita ng kaniyang suporta sa mga programang para sa mga kabataan at para iparamdam sa kanila ang pagpapahalaga ng Lokal na Pamahalaan na kabilang sa mga adbokasiya ng Punong Lungsod para sa Bagong San Jose.
Ibinahagi ng butihing Mayor sa mga estudyante na kapag may magandang pangarap at layunin sa buhay, “never give up”.
Tumanggap ng cash prize at sertipiko ang mga nagsipagwagi, na magiging kinatawan ng Dibisyon ng San Jose sa Regional Population Quiz and On-The-Spot-Contests sa Pampanga.
Naging katuwang ng City Population Office ang Schools Division Office sa naturang aktibidad, na naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan at itaas ang kanilang kamalayan sa mga isyung patungkol sa populasyon; at kung papaano sila makatutulong dito.
(Jennylyn N. Cornel)