DOLE DILEEP Mini-mart and Delivery Services
Published: April 30, 2021 03:00 PM
Naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Lokal na Pamahalaan para sa kuwalipikadong organisasyong Samahan ng Kababaihang Nagkakaisa Tungo sa Pag-unlad (SKNTP) ng Barangay Abar 2nd nitong Huwebes, ika-29 ng Abril.
Personal na ipinagkaloob ni DOLE Provincial Director Maylene Evangelista kasama ang mga kawani ng Public Employment and Service Office (PESO) sa pangunguna ni Sr. Labor & Employment Officer Lilybeth Tagle ang iba’t ibang paninda (food items) bilang tulong sa pagpapalawig ng munting negosyo ng naturang samahan.
Sa tulong ng PESO, napiling benepisyaryo ng DOLE ang SKNTP mula sa Barangay Abar 2nd upang madagdagan ang kanilang puhunan at mapaunlad ang kanilang maliit na negosyong mini-mart at delivery services.
Bahagi ito ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP) na tumutulong masuportahan ang kabuhayan at mapalago ang negosyo ng mga kuwalipikadong organisasyon.
Bukod sa naturang ayuda mula sa DOLE, magbibigay rin ng motorsiklo ang lokal na pamahalaan bilang counterpart o dagdag na tulong na magagamit ng samahan sa kanilang ‘delivery services’ na bahagi pa rin ng kanilang negosyo.