News »


DRRMO, may bagong fire truck

Published: September 04, 2020 12:00 AM



Bumili ng isang penetrator fire truck ang Lokal na Pamahalaan upang mas mapahusay ang serbisyo ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kapag may sunog.

"Penetrator" ang tawag sa fire truck dahil sa kakayahan nitong pumasok sa mga eskinita o makikitid na daanan na hindi kayang pasukin ng mga fire truck ng Bureau of Fire Protection o BFP.

Inaasahang makatutulong ng malaki ang naturang fire truck sa mabilis na pagresponde sa mga sunog dahil mas madali itong imaniobra lalo na sa masisikip na kalsada.

May kapasidad itong 1,600 liters at kumpletong accessories na magsisilbi ring back-up rescue vehicle ng LDRRMO kapag may mga aksidente, gaya ng vehicular accidents.

Nitong nakaraang linggo, binasbasan ang fire truck pati na rin ang bagong 4x4 rescue vehicle ng CDRRMO.