DTI - Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program
Published: August 10, 2022 04:00 PM
Bagong pag-asa ang hatid ng Department of Trade and Industry (DTI) - Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program sa 30 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Ginawaran sila ng sari-sari business kits na nagkakahalaga ng mahigit Php11,000.00 sa isinagawang programa sa Pag-asa Sports Complex kahapon (Agosto 9).
Ang DTI – PPG ay isang livelihood seeding and entrepreneurship development program na naglalayong makatulong sa mga indibidwal at pamilya na naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang mga nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
Ayon kay Vice Mayor Ali Salvador, itinuturing niyang isa itong pagpapala sa mga benepisyaryo dahil makatutulong ito na sila ay makapagsimulang muli.
Nagpasalamat din si Vice Ali sa DTI sa mga ibinababa nilang programa sa lungsod, pati na sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Nagpahayag naman ng kanyang pagbati si Mayor Kokoy Salvador at nagpasalamat din sa mga nakiisa sa programa.
Kasama sa mga dumalo sa paggawad ng pangkabuhayan package ang mga kinatawan ng DTI Provincial Office kabilang sina Maria Odessa Manzano, OIC-Division Chief ng Business Development Division at Marilou Santos, Senior Trade-Industry Development Specialist; City Tourism Officer Darmo Escuadro; Community Affairs Office-OIC Ryan Niño Laureta; City Councilors Vanj Manugue, Patrixie Salvador-Garcia, at Doc Susan Corpuz; at ilang miyembro ng Philippine Army sa pangunguna ni Major Judy Valera, 84IB Executive Officer.
Sampung benepisyaryo pa ang inaasahang makatatanggap ng naturang tulong pangkabuhayan sa Setyembre.