News »


Eco-tri bike mula sa PRRM

Published: June 08, 2021 03:22 AM



Nakatanggap ng eco tri-bike at timbangan mula sa Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) sa pakikipagtulungan sa The Coca-Cola Foundation ang apat na benepisyaryo mula sa Brgy Abar 1st at Brgy Sto. Niño 2nd nitong umaga, Abril 27.  

Sa ilalim ng kanilang programang “Bayang Walang Basura”, ibinaba ng NGO ang mga ayuda sa nasabing barangay bilang livelihood assistance sa mga benepisyaryo na dati nang katulong sa Barangay Solid Waste Management Program.

Gagamitin ng mga benepisyaryo ang mga ito sa pamimili ng mga basurang maaari pang i-recycle at pakinabangan.

Sa pakikipag-ugnayan sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), natukoy ang Brgy Abar 1st at Brgy Sto Niño 2nd bilang mga lugar na mas nangangailangan ng tulong sa paghahakot ng basura.